This blog is going to be more local-centric, using a combination of English and Tagalog to make it a little less formal. We don’t want to focus or target on just one type of Client, but to reach all aspects of the society.
Allied Professionals
When you are ready to build your dream house, dapat mo ring alamin kung sino ang mga dapat mong lapitan para maipatayo ng maayos ang iyong pinapangarap na bahay.
Mahirap mag-ipon, dugo at pawis ang iyong naging puhunan. Huwag mong hayaang mawala ang iyong pinaghirapan dahil sa gusto mong magtipid or dahil sa hinde mo pa gamay ang kalakaran para magpatayo ng bahay, malaki man yan or maliit. It is very important that you consult or hire the right Professionals from the Construction industry, these includes but not limited to:
- Architect
- Structural/Civil Engineer
- Electrical Engineer
- Mechanical Engineer
- Plumbing and Sanitary Engineer
- Geodetic Engineer
- Surveyor
- Project Manager
- General Contractor
- Interior Designer
- Lighting Designer
- Landscape Designer
…and so on…
These Professionals will help you prepare your dream house’s blueprint.

Why Blueprints Are Important?
Bakit nga ba mahalaga na may Blueprints or Construction Documents (plans, elevations, sections, details, specifications) before you can contruct any structure?
Ang blueprint ay mahalaga:
- para magkaroon ng tamang ayos ang iyong bahay
- magkaron ng tamang basehan para sa tamang pagkuha ng construction cost. Hinde sa lahat ng panahon pwede mong ibase sa kada square meter ang pagkuha sa tamang budget. Naayon yan sa specs base sa design
- hinde rin tama na basehan mo ung ginastos ng kapitbahay mo sa pagtayo ng bahay nya, bakit duplex ba bahay nyo?
- in time if you want to expand, pwede mong maging basehan ang iyong plano or blueprints para makita mo kung may tatamaang mahalagang elemento sa loob or labas ng bahay mo, or kung may pwedeng imodify para ma-accommodate yung gusto mong ad ons sa bahay mo.
Construction documents are needed for the General Contractor to be able to obtain the necessary Permits and Licences and Notice to Proceed from the Office of the Building Official. These are all signed and sealed by all allied professionals involved in the project.
Mayroon silang pananagutan kapag may hinde magandang mangyari sa bahay mo. Ang Arkitekto ay may liability na 15years sa bawat structure na mayroon siyang pirma, kasama na din diyan ang Structural Engineer. Kaya mahalaga na maging tandem ang dalawang propesyon na yan para maitayo ng maayos at naayon sa batas ang inyong bahay.
Siyempre, ikaw na Client dapat mo muna sabihin sa Arkitekto kung magkano ang budget mo. Ibabase ngayon ni Arkitek yong maging disenyo ng bahay mo sa budget mo.
You should also know that only Licensed Architects are allowed to produce Architectural plans.

Pero paano kapag si Contractor ang may kasalanan kung bakit may hinde magandang nangyari sa bahay mo? Paano kung tama naman ang plano ni Arkitek at Engineer?
That is another story. Maaring nagkamali si Contractor sa pagkwenta sa kung magkanu nya i-bid yong project. Siguro dahil feeling nya madadaan nya sa Value Engineering yong mga materyales at hinde na kailangang sundin ang nasa specifications ni Architect at Engineer.
Or dahil gusto nyo mag-kickback para kumita ng malaki… at madalas iyan nangyayari, its a fact, an actual fact….
This is why a Project Manager, Quality Assurance and Control are very important part of the team. Hinde pwede na si GenCon ang Project Manager, magiging bias yan, di na nya makikita yong tama at mali, madalas pikit mata na lang lalo pag may mali kase madodoble na gastos nila.
We will have a separate blog on how to choose the right Contractor.
Pero paano kung nagustuhan mo yung proposal ni Achitect but you are almost over budget?
Diyan po papasok yong tinatawag na PHASING…
If you think your budget is not yet enough but you already need to start to construct, unahin mo muna ipagawa yong pundasyon, yong structural shell ng bahay mo. Maraming magagandang bahay ang naitayo or natapos makalipas ang ilang taon. Try mo manood sa Netflix yung Extraordinary Homes…marami kang matutunan doon.
Hinde mo kailangan pamadaliin ang pagtapos sa construction if you want the best for your dream house.
Hinde mo kailangan tipirin kung iyang ipapatayo mo ay ang iyong retirement home or kung saan dyan ka na mamalagi pagkatapos maipatayo. Mamaya kakatipid mo lalo palang mapapalaki ang gastos mo kase baka mamaya madaling masira at hinde matibay yung ginamit na materyales.
Try not to compromise so much on the design and details. Maraming pwedeng gawin for you to be able to achieve the best outcome of your dream house. Ask your Architect, he can help you with that.
Huwag mong isakripisyo ang kinabukasan ng iyong investment dahil gusto mo lang magtipid.
Maging honest ka at open sa Arkitekto mo para magkaron kayo ng unawaan, ng matiwasay na partnership or samahan. Nakasalalay sa kanya ang ikakaganda ng iyong bahay, huwag mo siyang tipirin. Hinde madali ang maging isang Arkitekto. Ilang taon din ang binuno niyan para maging ganap siyang Arkitekto.
Mayroong mga standard fees ang Architects. Don’t hesitate to discuss the fees. Di ka naman nya bibiglain sa singilan. Mayroon tinatawag na Progress Billing. Maliit man or malaki ang proyekto, binabase ang singilan sa accomplishments or progress ng nagawa na.
In the next blog, we will discuss the standard fees for Architects and payment schedule.